Linggo, Abril 19, 2015

Resolusyon ng KPML-NCRR hinggil sa pangangalaga ng kalikasan

RESOLUSYON ng KPML-NCRR na binasa noong Pre-Congress nito sa QC Hall, Abril 18, 2015. Ang Ikapitong Kongreso ng KPML-NCRR ay sa Mayo 23, 2015 sa Bernardo Court sa Lungsod ng Quezon.

RESOLUSYON HINGGIL SA 
PANGANGALAGA NG KALIKASAN

Yayamang laging sinisisi ng gobyerno ang mga maralita kapag nagkakaroon ng kalamidad tulad ng Ondoy at Pedring;

Yayamang dapat ipakita ng maralita sa buong rehiyon na hindi sila ang sanhi ng pagbaha at mga kalamidad;

Yayamang inuunawa ng mga maralita ang sari-saring isyu sa kalikasan at kapaligiran tulad ng problema sa climate change, banta ng pagtatayo ng nakasisirang incinerator, banta ng pagwasak sa mga mabubuting probisyon ng Clear Air Act, Clean Water Act, Solid Waste Management, at maging aktibo sa mga usaping pangkalikasan;

Yayamang ang mga maralita ay may kakayahang maging aktibo sa larangan ng pangangalaga ng kalikasan at kapaligiran;

Yayamang nauunawaan nila ang kanilang malaking papel at ambag sa kaayusan at pangangalaga ng kalikasan, kapaligiran at lipunan;

Kung gayon, magiging mahigpit na katuwang ang KPML-NCRR sa usaping makakalikasan, tulad ng tamang paghihiwalay ng basura, aktibong pagsama sa iba’t ibang isyu at laban para sa ikabubuti ng kalikasan, at mahigpit na makipag-ugnayan ang KPML-NCRR sa iba’t ibang kakampi at kaalyadong samahang makakalikasan, tulad ng EcoWaste Coalition, Ban Toxics, GreenPeace, Alyansa Tigil Mina (ATM), Philippine Movement for Climate Justice (PMCJ), anti-coal coalition, Sanlakas environment desk, Green Convergence, Green Collective, at Diwang Lunti.

Pinagtitibay ng mayorya ng mga delegado ng ika-7 Kongreso ng KPML-NCRR ang resolusyong ito ngayong ika-23 ng Mayo, 2015, sa Lungsod ng Quezon.

Walang komento: