Hindi natin ginagamit ang sariling salita natin.
Nanganganib mawala ang ngunit, subalit, at datapwat.
HIMAGSIK SA "PERO"
Nanganganib mawalâ
ang sariling salitâ
kapag binalewala't
di ginamit na sadyâ.
"Pero" ng "pero" NGUNIT,
DATAPWAT, at SUBALIT,
kapag naglahong pilit
ay hampas na ng langit.
Ramdam mo'y isinumpâ
kung turing nati'y bakyâ
ang sariling katagâ.
Ano bang magagawâ?
Ay, gamitin po natin
ang wikang ating atin.
- gregoriovbituinjr.
11.18.2026
* Imbes Kastilang "pero", gamitin natin ang katumbas nito sa sariling wika - NGUNIT, SUBALIT at DATAPWAT.
* Ulat sa nanganganib mawalang wika sa ating bansa dahil kaunti na lang ang gumnagamit





























