MGA TANAGA PARA SA KALIKASAN AT KALUSUGAN
halina’t ipaglaban
si Inang Kalikasan!
mga tusong gahaman
ay dapat nang wakasan!
di biro ang magtanim
sa lupang anong lalim
kailangang malilim
basta huwag madilim
pandaigdigang araw
para sa kalikasan
ay ating ipagdiwang
o gunitain man lang
pangalagaang tunay
ang bawat saribuhay
dapat tayong magnilay
kumusta na ang buhay
gawing makabuluhan
ang layunin sa bayan
gawing may katuturan
ang misyon sa tahanan
kung mga bunga’y hinog
ay kaysarap mabusog
at sa ating pag-inog
pag-ingatan ang pantog
sadyang nakaaantig
kung puso’y may pag-ibig
tayo’y magkapitbisig
ingatan ang daigdig
- gregbituinjr.
* nalathala sa isyung Hunyo 2019 ng pahayagang Diwang Lunti
Linggo, Hunyo 2, 2019
Biyernes, Mayo 31, 2019
Naglipanang upos
NAGLIPANANG UPOS
(Tula para sa World No Tobacco Day tuwing Mayo 31)
di ako nagyoyosi, ang ginagawa kong lubos
ay ang tipunin sa bote ang nagkalat na upos
ito ang sa kapaligiran ay ambag kong taos
bakasakali lang kahit upos ay di maubos.
ginagawa kong ash tray ang pangsardinas na lata
sa paligid nito'y nilalagyan ng karatula
"Dito ilagay ang upos, kaibigan, kasama"
at ibinabahagi sa pabrika't opisina.
naglipana ang upos sa kalsada't karagatan
talagang nakakaupos ang nangyayaring iyan
mga wawa ng ilog ay tila nabubusalan
naglulutangan ang upos sa mga katubigan.
mga isinaboteng upos sa lupa'y ibaon
tulad ng hollow blocks ay patigasin ito ngayon
gawin kaya natin itong proyekto sa konstruksyon?
baka may paggamitan ang upos kapag naglaon.
ngayong World No Tobacco Day, anong masasabi mo?
nagkalat ang upos sa ating paligid, katoto
may maitutulong ka ba't maipapayo rito?
upang malutas ang mga upos na dumelubyo?
- gregbituinjr.,05/31/2019
Ano baga?
ANO BAGA?
(Tula para sa World No Tobacco Day tuwing Mayo 31)
nosi ba lasi para magyosi't bugahan tayo
ng usok gayong di naman tayo nananabako
sa dyip, naaamoy mo ang yosi ng katabi mo
aba'y pasensya na't natapatan ka ng tambutso!
yosi ng yosi, hitit ng hitit, buga ng buga
nakakaalarma, kalusugan mo'y paano na?
di ka nga humihitit, nalalanghap mo'y sa iba
walang bisyo ngunit second-hand smoker ka pala
paano mo ba pagsasabihan ang mga sutil?
pananabako nila'y paano ba matitigil?
polusyon sa katawan mo'y sino kayang pipigil?
paano iiwas na unti-unti kang makitil?
ngayong World No Tobacco Day, ating alalahanin
huwag pabayaan ang baga't kalusugan natin!
- gregbituinjr.,05/31/2019
(Tula para sa World No Tobacco Day tuwing Mayo 31)
nosi ba lasi para magyosi't bugahan tayo
ng usok gayong di naman tayo nananabako
sa dyip, naaamoy mo ang yosi ng katabi mo
aba'y pasensya na't natapatan ka ng tambutso!
yosi ng yosi, hitit ng hitit, buga ng buga
nakakaalarma, kalusugan mo'y paano na?
di ka nga humihitit, nalalanghap mo'y sa iba
walang bisyo ngunit second-hand smoker ka pala
paano mo ba pagsasabihan ang mga sutil?
pananabako nila'y paano ba matitigil?
polusyon sa katawan mo'y sino kayang pipigil?
paano iiwas na unti-unti kang makitil?
ngayong World No Tobacco Day, ating alalahanin
huwag pabayaan ang baga't kalusugan natin!
- gregbituinjr.,05/31/2019
Miyerkules, Mayo 22, 2019
Sa Pandaigdigang Araw ng Saribuhay, Mayo 22, 2019
SA PANDAIGDIGANG ARAW NG SARIBUHAY
(INTERNATIONAL BIODIVERSITY DAY), MAYO 22, 2019
di ko alam, ngunit dapat ding pag-isipang tunay
marahil kalikasan ay marunong ding malumbay
at ngayong Pandaigdigang Araw ng Saribuhay
sa nangyayari sa kalikasan, tayo'y magnilay
may ulat na balyena'y namatay sa karagatan
at may apatnapung kilong plastik sa kanyang tiyan
may mga munting dolphin ding may gayong kapalaran
bakit nangyayari ito, sinong may kasalanan?
natadtad na ng polusyon ang lupa hanggang bundok
nagkalat din ang mga basurang di nabubulok
dapat magbayad ng malaki ang nagpapausok
dulot ng coal fired power plants na nakasusulasok
ang dagat na'y kayraming upos at single use plastic
kayraming usok ng sasakyan sa ragasang trapik
nauubos na ang kagubatang sa bunga'y hitik
sa nangyayari, tayo pa rin ba'y patumpik-tumpik
sa karagatan nagmumula ang pagkaing isda
at sa bukid nakukuha ang pagkaing sariwa
kung ang saribuhay ay ating binabalewala
magugutom ang mayamang bansang kayraming dukha
sinong sumisira ng kalikasan kundi tao
sinong magtatanggol sa kalikasan kundi tao
sinong kikilos upang mapangalagaan ito
protektahan ang kalikasan, sama-sama tayo
malulutas din ang mga nangyayaring problema
dagat, gubat, lungsod, hangin, bundok, protektahan na
sa Pandaigdigang Araw ng Saribuhay, tara
para sa kalikasan, kumilos na't magkaisa!
- gregbituinjr.
(INTERNATIONAL BIODIVERSITY DAY), MAYO 22, 2019
di ko alam, ngunit dapat ding pag-isipang tunay
marahil kalikasan ay marunong ding malumbay
at ngayong Pandaigdigang Araw ng Saribuhay
sa nangyayari sa kalikasan, tayo'y magnilay
may ulat na balyena'y namatay sa karagatan
at may apatnapung kilong plastik sa kanyang tiyan
may mga munting dolphin ding may gayong kapalaran
bakit nangyayari ito, sinong may kasalanan?
natadtad na ng polusyon ang lupa hanggang bundok
nagkalat din ang mga basurang di nabubulok
dapat magbayad ng malaki ang nagpapausok
dulot ng coal fired power plants na nakasusulasok
ang dagat na'y kayraming upos at single use plastic
kayraming usok ng sasakyan sa ragasang trapik
nauubos na ang kagubatang sa bunga'y hitik
sa nangyayari, tayo pa rin ba'y patumpik-tumpik
sa karagatan nagmumula ang pagkaing isda
at sa bukid nakukuha ang pagkaing sariwa
kung ang saribuhay ay ating binabalewala
magugutom ang mayamang bansang kayraming dukha
sinong sumisira ng kalikasan kundi tao
sinong magtatanggol sa kalikasan kundi tao
sinong kikilos upang mapangalagaan ito
protektahan ang kalikasan, sama-sama tayo
malulutas din ang mga nangyayaring problema
dagat, gubat, lungsod, hangin, bundok, protektahan na
sa Pandaigdigang Araw ng Saribuhay, tara
para sa kalikasan, kumilos na't magkaisa!
- gregbituinjr.
Biyernes, Mayo 3, 2019
Kwentong cabbage at ang Wikang Filipino
KWENTONG CABBAGE AT ANG WIKANG FILIPINO
Maikling sanaysay ni Greg Bituin Jr.
Inaamin ko, hindi ko kabisado ang ilang katawagan sa wkang Ingles. Ito marahil ay dahil wala ako sa Britanya o sa Amerika. Nasa Pilipinas ako na gamit ang sariling wika. Wikang tila binabalewala ng iba dahil mas nais pa nilang gamitin ang wikang Ingles, o wikang dayuhan, kahit may katumbas naman sa sariling wika.
Matagal nang nangyari ang kwentong ito, na nais kong balikan ngayon. Minsan, sa isang pulong, pinabili ako ng isang kasama, na mula sa ibang lalawigan, dahil kulang ng sahog ang kanyang iluluto. Nagpabili siya ng cabbage, akala ko imported na gulay. Para bang Baguio beans na nagmula sa Baguio o French beans na galing sa France o tanim ng mga Pranses, kaya ganoon ang tawag. Cabbage. Kasintunog ng pangalan ng matematikong si Charles Babbage.
Kaya sa palengke ay nagtanung-tanong ako ng cabbage. Kahit kaharap ko na ang iba pang gulay tulad ng okra, talong, talbos ng kamote, repolyo, kamatis, bawang, puso ng saging, at marami pang iba. Paikot-ikot ako sa palengke. Hanggang sa tanungin ako ng isang tindera. "Ano pong hanap nyo?" Sagot ko, "Cabbage po." Tanong niya, "Ilan po bang cabbage?" habang hawak ang repolyo.
Tangna! Repolyo lang pala iyon! Nakita ko na kanina pa ang repolyo, kasama ng singkamas, talong, sigarilyas at mani, sitaw, bataw, patani. Kaya nang bumalik ako sa pulong, sinabihan ko yung nagpabili, "Repolyo lang pala ang pinabibili mo, pinahirapan mo pa ako. Pa-cabbage-cabbage ka pa! Sana, sinabi mong repolyo ang pinabibili mo." Pilipino naman ang kausap ko, na pinagbigyan ko sa hiling niyang pakibili.
Isa pang kwento, na malaki ang agwat ng panahon sa unang kwento. Pinabili ako ng squash. Hindi ko rin alam kung ano iyon. Baka mapahiya muli ako sa aking sarili. Kaya dali-dali kong tiningnan sa diksyunaryo. Tangna muli! Kalabasa lang pala. Ang problema, ini-Ingles pa kasi.
Naalala ko lang uli ang kwentong itong nangyari mahigit dalawang dekada na ang nakararaan. Dahil paalis si Misis pauwi sa kanila upang doon bumoto. Ibinilin niya sa akin ang laman ng ref, na mga gulay na pwede kong kainin habang nasa lalawigan siya. Ayon sa kanya, "Mayroong cucumber, egg plant, at french beans sa ref". Yaong dalawa, mukhang imported na gulay dahil Ingles, habang ang egg plant, na talong, ay madali kong naunawaan. Iyon pala, pipino ang cucumber at yung french beans ay kibal o malinggit na sitaw. Yaong sitaw naman ay string beans sa Ingles.
Bakit hindi natin salitain ang sarili nating salita, hindi yung pa-Ingles-Ingles pa. Talong lang, sasabihin pang eggplant. Nasa ibang bansa ba tayo? Pipino lang, sasabihin pang cucumber. Repolyo, sasabihin pang cabbage! Mababang uri na ba ng tao ang nagsasalita ng wikang Filipino? Wikang bakya ba ang wikang Filipino? Wikang pangkatulong lang ba o wikang alipin ang wikang Filipino?
Ang problema sa ating bansa, dahil sa impluwensya ng mga Kano, mahilig inglesin ang mga katawagan, habang hindi ginagamit ang ating mga taal na salita. Kaya nagkakaroon ng kalituhan. Kailangan ko yatang bumalik sa Grade 4 upang matuto muling mag-Ingles, at maulit ang karanasan ko noong Grade 4 kami. Bawal magsalita sa wikang Filipino, dahil pagbabayarin ka ng guro mo. May multa, ika nga. Noong panahong iyon ay malaki pa ang halaga ng piso. Pag pinabili nga ako ng dalawang pisong pandesal, dalawampu at malalaki ang laman.
Gaano nga ba natin pinahahalagahan ang ating sariling wika? Mismong sarili nating wika ay hindi natin alam. O ayaw nating alamin at gamitin. Malala na, grabe na itong nangyayari sa atin. Na-impluwensyahan ng mga konyo, na akala'y Ingles ang wika ng mayaman, ng sosyal, ng mga sikat na personalidad sa lipunan. At pag nagsalita ka ng wikang Filipino sa bansang Pilipinas ay mababa na ang uri mo.
Hindi mababa ang uri ng nagsasalita ng wikang Filipino. Ito ay wika natin sa ating bansa. Kaya sana ay pahalagahan natin. Huwag sana tayong mahirati sa wika ng dayuhan.
Lunes, Abril 22, 2019
Tula sa Araw ng Daigdig (Earth Day) 2019
TULA SA ARAW NG DAIGDIG, ABRIL 22, 2019
Sinira na ng kapitalismo ang kalikasan
Winasak ng sistemang ito ang kapaligiran
Kayraming plastik na ginawa upang pagtubuan
Kayraming basura na ilog ang pinagtapunan.
Para maging troso'y nilagari ang mga puno
Mga bundok ay kinalbo para sa tanso't ginto
Ginawa'y mga single use plastic para sa tubo
Kayrami nang lupang minina, dulot ay siphayo.
Dahil sa coal-fired powerplant, kalikasa'y nawasak
Pagtatayo pa ng Kaliwa Dam ang binabalak
Panahon nang kapitalismo'y palitan, ibagsak
Itanim ang bagong sistemang kayganda ng pitak.
Ngayong Araw ng Daigdig, halina't magkaisa
At tayo'y kumilos upang baguhin ang sistema.
- gregbituinjr.
* Nilikha at binasa ng may-akda ang tulang ito sa raling pinangunahan ng Philippine Movement for Climate Justice (PMCJ) na nagprograma sa harap ng Department of Agriculture (DA), nagmartsa at nagprograma sa Department of Environment and Natural Resources (DENR), umaga ng Abril 22, 2019, Araw ng Daigdig (Earth Day).
Lunes, Abril 15, 2019
Linggo, Abril 7, 2019
Paano ba lulutasin ang problema sa nagkalat na upos ng sigarilyo?
PAANO BA LULUTASIN ANG PROBLEMA SA NAGKALAT NA UPOS NG SIGARILYO?
Sanaysay ni Gregorio V. Bituin Jr.
Ilang taon na ang nakararaan nang gumawa ako ng mga ash tray mula sa lata ng sardinas. At nilagyan ko pa iyon ng mga paalala, tulad ng "Dito po ilagay ang upos ng yosi". At ikinalat ko sa facebook.
Patuloy pa rin akong gumagawa ng mga ash tray na lata ng sardinas at nilalagyan ko ng paalala, at ipinamamahagi ko sa mga kilala kong opisina upang doon ilagay ang kanilang upos, at kung may panahon ako ay balikan iyon upang kunin at ilagay sa bote ang mga natipong upos.
May mga nagawa rin akong tula hinggil sa mga upos ng sigarilyo. Halimbawa na lamang ang isang litratong kuha ko na ginawang lagayan ng upos ang paso ng halaman, at sa mismong litrato ay doon ko inilagay ang tula.
| Mga litratong kuha noong Pebrero 5, 2014 |
![]() |
| Master, dito po ang lagayan ng upos at abo. Kuha noong Enero 20, 2016 |
![]() |
| 555, dito po ang lagayan ng upos at abo. Century ashtray po ako. Kuha noong Enero 20, 2016 |
![]() |
| litrato't tulang nilikha noong 2/26/2016 |
![]() |
| Tulang kinatha noong Mayo 31, 2014 |
May mga nagsasabi nga sa akin na mas tamang kampanya ay ang "Bawal Manigarilyo" o kaya ay "Huwag Manigarilyo Dahil Masama Ito sa Kalusugan", tulad ng inilalagay ngayong larawan ng mga sakit na epekto ng paninigarilyo sa mga kaha ng sigarilyo.
Ngunit sa ganang akin, nakababahala ang mga ulat na ang upos ng sigarilyo ang isa sa pinakamaraming basurang nagkalat sa karagatan. Ayon sa ulat, ang upos ng sigarilyo ang ikatlo sa mga klase ng basurang palutang-lutang sa dagat. Nangunguna ang single-used plastic, o yaong mga plastik na isang beses lang gamitin ay itinatapon na. Ikatlo ang upos. Kinakain ng mga isda ang mga basurang nagkalat sa dagat, at kinakain naman natin ang mga nahuhuling isda. Wala ba tayong budhi na pinababayaan nating maglipana sa karagatan ang mga upos ng sigarilyo? Hindi ba natin naiisip ang ating kalusugan, ang kalusugan ng ating mga mahal sa buhay, ang kalusugan ng ating kapwa, ang kalusugan ng mga susunod pang henerasyon?
![]() |
| tulang nilikha noong Abril 4, 2019 |
Ginawa kong personal na kampanya ang paglalagay ng upos sa mga bote, upang mapagtanto ng mga nagyoyosi na marami silang basurang upos na ikinakalat sa dagat, kahit hindi nila direktang itinatapon ito sa dagat.
![]() |
| tulang nilkha noong Abril 2, 2019 |
Mas nais kong pagtuunan bilang ekstrang gawain ang paglalagay ng mga natipon kong upos sa mga bote, at gawin itong ekobrik din. Di nga lang plastik ang nakalagay kundi upos ng sigarilyo na yari naman sa papel at hibla ng kung anong uri ng materyal. Sa ganitong paraan, sa aking personal na pakiramdam, ay nakatulong din kahit bahagya upang hindi mapunta sa karagatan ang mga upos, at maikulong ang mga ito sa bote na maaaring gawing ekobrik.
Ang mailalaman sa isang bote, halimbawa sa bote ng mineral water na 1000 ml o isang litro marahil ay apat na raan o limang daang upos. Malaking bagay na ito upang hindi mapunta sa dumpsite o sa dagat ang mga upos na iyon, at maikulong natin sa bote. Malaking tulong upang mas mapaliit natin ang tsansang lumutang-lutang sa dagat ang mga basurang upos at kainin ito ng mga isda.
![]() |
| Kuha nitong Enero 24, 2019 |
Kung may nagsasabing "Ayoko ng plastik", ano namang gagawin sa mga kasalukuyang naglipanang plastik? Pababayaan na lang ba dahil ayaw natin sa plastik? O baka ilan lang ang ayaw, at yung may ayaw pa ay hindi kumikilos upang masolusyunan ang problema sa plastik.
Kaya ang mabuti pa, tumulong ka na lang sa munting kampanyang ito. Bakasakaling sa paisa-isa ay makabawas tayo ng kalat na upos sa ating kapaligiran.
May mga sinulat akong mga puna rin sa mga nagyoyosi, mga sanaysay hinggil sa paninigarilyo. Iyong iba ay tungkol sa kalusugan, tungkol sa panindi ng yosi, habang ang iba'y hinggil sa nagkalat na upos sa lansangan. Marami rin akong nilikhang tula hinggil sa mga nasabing paksa. Ang mahalaga'y mapuna sila, bakasakaling makinig at hindi na sila magyosi, at wala nang magkalat ng upos sa kung saan-saan.
Narito ang ilang tulang ginawa ko para sa kampanyang ito:
May mga sinulat akong mga puna rin sa mga nagyoyosi, mga sanaysay hinggil sa paninigarilyo. Iyong iba ay tungkol sa kalusugan, tungkol sa panindi ng yosi, habang ang iba'y hinggil sa nagkalat na upos sa lansangan. Marami rin akong nilikhang tula hinggil sa mga nasabing paksa. Ang mahalaga'y mapuna sila, bakasakaling makinig at hindi na sila magyosi, at wala nang magkalat ng upos sa kung saan-saan.
![]() |
| Nilikha noong Agosto 17, 2017 |
PAHIRAM NG PANINDI NG YOSI
ni Gregorio V. Bituin Jr.
10 pantig bawat taludtod
Ilan sa mga nakilala ko
Ay kayhilig na manigarilyo
Ngunit ugali ng mga ito
Ay ang panghihiram ng posporo
O anumang pwedeng ipansindi
Sa yosi nilang nasa daliri
Tila sila hindi mapakali
Pag hindi nakahitit ang labi.
Bahagi ba ng pakikisama
Kung sakaling pahiramin siya?
O ito’y isang pang-aabala
Doon sa mga katabi niya.
Nakakabili ng sigarilyo
Ngunit walang panindi sa bisyo
Wala ba siyang dalawang piso
Para makabili ng posporo?
Sundalong kanin ang tulad niya
May baril nga, ngunit walang bala.
At kung manunulat ang kapara
May bolpen nga, ngunit walang tinta.
O kaya’y tsuper na papasada
May dyip ngunit walang gasolina
Kung mahilig kang maghitit-buga
Aba, panindi mo’y bumili ka.
Sa buhay, dapat lagi kang handa
Kung nais mong ikaw’y may mapala
Magsusunog na nga lang ng baga
Sarili namang panindi’y wala.
Magkaminsan, ako’y nagtataka
Pagbibisyo nama’y kayang-kaya
O baka ang sigarilyo nila
Ang tawag ay “tatak-hingi” pala.
- 08/02/2008
AANHIN PA ANG YOSI KUNG MAYROON KANG TIBI?
aanhin pa ang yosi
kung mayroon kang tibi?
di ka ba mapakali
sa iyong pagka-busy?
di ka kaya magsisi
at baga’y winawaksi?
ano bang aking paki
sa mga nagyoyosi?
aba’y sige lang, sige
pagsisisi’y sa huli
- gregbituinjr.
2/29/16
TIGILAN NA ANG YOSI
aanhin pa ba iyang yosi
kung panindi'y di makabili
lagi nang yosi'y tatak-HINGI
hinirama'y di makahindi
tigil na't nakasusulasok
ano pa ba ang sinusubok
ang baga mo na'y binubukbok
ng di na masawatang usok
- gregbituinjr.
2/29/16
BINIBILI KO ANG USOK NA PARANG GINTO
binibili ko ang usok na parang ginto
habang habol ang hininga kong napapaso
ang nadarama'y lalamunang tuyong-tuyo
na yosi pala iyang sa akin tatanso
sayang ang pera ko sa pagbili ng usok
gayong libre lang ang sakit.kong maglulugmok
bisyong iyan ay paano ko nalulunok
habang binubuga ang nakasusulasok
tila sa baga ko ako na'y nagtataksil
pati lalamunan ko'y aking sinisiil
katawan ko'y unti-unti kong kinikitil
ang mabaho kong bisyo'y may dalang hilahil
isang tasang kanin o tatlong sigarilyo
hihithitin ko o isang ulam na prito
sa yosi'y ayokong sayangin ang pera ko
ibibili na lang ng sangkaterbang libro
- gregbituinjr.
11/8/18
AKO'Y NAUUPOS
ako'y nauupos sa dami ng upos ng yosi
naglalakad ako'y nagkalat sa daan, kayrami
tapon doon, tapon dito, sila na'y nahirati
ang ating pamahalaan ba'y anong masasabi?
ako'y nauupos sa laksang nagkalat na upos
wala bang lagakan ng abo, sa ash tray ba'y kapos?
latang walang laman, bakit di gamitin nang lubos?
nang mga upos na ito'y ating maisaayos
nakakaupos ang naglipanang upos sa dagat
pagkat kayraming isda ang sa upos nabubundat
ikatlo raw na basura ang upos na nagkalat
paanong sa pagtapon nito tao'y maaawat?
sa nagkalat na upos, anong dapat nating gawin?
ito bang kalikasan ay paano sasagipin?
huwag hayaang upos ay lulutang-lutang pa rin
sa dagat nang kalikasa't isda'y masagip natin
- gregbituinjr.
4/4/19
KINALABOSONG UPOS
Kita nyo bang sa dagat, mga upos na'y nagkalat?
Ikatlo raw ito sa laksang basura sa dagat
Naisip nyo bang sa upos, mga isda'y bubundat?
At pagkamatay nila sa upos sa budhi'y sumbat
Lagi nating isipin ang buti nitong daigdig
Ang dagat na'y nasaktan, pati pusong pumipintig
Basurang nagkalat sa kalamnan niya'y yumanig
O, dapat itong wakasan, tayo'y magkapitbisig
Simulan nating sagipin ang ating karagatan
O kaya'y mag-umpisa sa ating mga tahanan
Naglipanang upos ay gawan natin ng paraan
Gumising na't magsikilos para sa kalikasan
Upos ay kinulong ko sa bote bilang simula
Pag dagat ay pulos upos, mga isda'y kawawa
Oo, ito'y pagkain, aakalain ng isda
Sumpa iyang upos sa dagat, problemang kaylubha
-gregbituinjr.
4/7/19
HALINA'T MAG-YOSIBRIK
di ka pa ba naiinis sa naglipanang upos
sa basurahan, daan, dagat, di maubos-ubos
tila ba sa ating likuran, ito'y umuulos
upos sa kapaligiran, animo'y umaagos
sa nangyayari'y dapat may gawin, tayo'y umimik
tipunin ang mga upos, gawing parang ECOBRICK
sa boteng plastik ay ipasok at ating isiksik
ang boteng siksik sa upos ay tawaging YOSIBRIK
kailangang may gawin sa upos na naglipana
sa dagat kasi'y upos na ang pangatlong basura
di ba't dahil sa upos, may namatay na balyena
imakalang pagkain ang itinapong basura
madawag na ang lungsod, sa upos ay nabubundat
naninigarilyo kasi'y walang kaingat-ingat
pansamantalang tugon sa upos na walang puknat
ay gawing yosibrik ang mga upos na nagkalat
- gregbituinjr.
4.3.19
HALINA'T MAG-YOSIBRIK
di ka pa ba naiinis sa naglipanang upos
sa basurahan, daan, dagat, di maubos-ubos
tila ba sa ating likuran, ito'y umuulos
upos sa kapaligiran, animo'y umaagos
sa nangyayari'y dapat may gawin, tayo'y umimik
tipunin ang mga upos, gawing parang ECOBRICK
sa boteng plastik ay ipasok at ating isiksik
ang boteng siksik sa upos ay tawaging YOSIBRIK
kailangang may gawin sa upos na naglipana
sa dagat kasi'y upos na ang pangatlong basura
di ba't dahil sa upos, may namatay na balyena
imakalang pagkain ang itinapong basura
madawag na ang lungsod, sa upos ay nabubundat
naninigarilyo kasi'y walang kaingat-ingat
pansamantalang tugon sa upos na walang puknat
ay gawing yosibrik ang mga upos na nagkalat
- gregbituinjr.
4.3.19
Huwebes, Abril 4, 2019
Ako'y nauupos
AKO'Y NAUUPOS
ako'y nauupos sa dami ng upos ng yosi
naglalakad ako'y nagkalat sa daan, kayrami
tapon doon, tapon dito, sila na'y nahirati
ang ating pamahalaan ba'y anong masasabi?
ako'y nauupos sa laksang nagkalat na upos
wala bang lagakan ng abo, sa ash tray ba'y kapos?
latang walang laman, bakit di gamitin nang lubos?
nang mga upos na ito'y ating maisaayos
nakakaupos ang naglipanang upos sa dagat
pagkat kayraming isda ang sa upos nabubundat
ikatlo raw na basura ang upos na nagkalat
paanong sa pagtapon nito tao'y maaawat?
sa nagkalat na upos, anong dapat nating gawin?
ito bang kalikasan ay paano sasagipin?
huwag hayaang upos ay lulutang-lutang pa rin
sa dagat nang kalikasa't isda'y masagip natin
- gregbituinjr.
ako'y nauupos sa dami ng upos ng yosi
naglalakad ako'y nagkalat sa daan, kayrami
tapon doon, tapon dito, sila na'y nahirati
ang ating pamahalaan ba'y anong masasabi?
ako'y nauupos sa laksang nagkalat na upos
wala bang lagakan ng abo, sa ash tray ba'y kapos?
latang walang laman, bakit di gamitin nang lubos?
nang mga upos na ito'y ating maisaayos
nakakaupos ang naglipanang upos sa dagat
pagkat kayraming isda ang sa upos nabubundat
ikatlo raw na basura ang upos na nagkalat
paanong sa pagtapon nito tao'y maaawat?
sa nagkalat na upos, anong dapat nating gawin?
ito bang kalikasan ay paano sasagipin?
huwag hayaang upos ay lulutang-lutang pa rin
sa dagat nang kalikasa't isda'y masagip natin
- gregbituinjr.
Miyerkules, Abril 3, 2019
Halina't mag-yosibrik
HALINA'T MAG-YOSIBRIK
di ka pa ba naiinis sa naglipanang upos
sa basurahan, daan, dagat, di maubos-ubos
tila ba sa ating likuran, ito'y umuulos
upos sa kapaligiran, animo'y umaagos
sa nangyayari'y dapat may gawin, tayo'y umimik
tipunin ang mga upos, gawing parang ECOBRICK
sa boteng plastik ay ipasok at ating isiksik
ang boteng siksik sa upos ay tawaging YOSIBRIK
kailangang may gawin sa upos na naglipana
sa dagat kasi'y upos na ang pangatlong basura
di ba't dahil sa upos, may namatay na balyena
imakalang pagkain ang itinapong basura
madawag na ang lungsod, sa upos ay nabubundat
naninigarilyo kasi'y walang kaingat-ingat
pansamantalang tugon sa upos na walang puknat
ay gawing yosibrik ang mga upos na nagkalat
- gregbituinjr.
di ka pa ba naiinis sa naglipanang upos
sa basurahan, daan, dagat, di maubos-ubos
tila ba sa ating likuran, ito'y umuulos
upos sa kapaligiran, animo'y umaagos
sa nangyayari'y dapat may gawin, tayo'y umimik
tipunin ang mga upos, gawing parang ECOBRICK
sa boteng plastik ay ipasok at ating isiksik
ang boteng siksik sa upos ay tawaging YOSIBRIK
kailangang may gawin sa upos na naglipana
sa dagat kasi'y upos na ang pangatlong basura
di ba't dahil sa upos, may namatay na balyena
imakalang pagkain ang itinapong basura
madawag na ang lungsod, sa upos ay nabubundat
naninigarilyo kasi'y walang kaingat-ingat
pansamantalang tugon sa upos na walang puknat
ay gawing yosibrik ang mga upos na nagkalat
- gregbituinjr.
Martes, Abril 2, 2019
Kinalabosong upos
KINALABOSONG UPOS
Kita nyo bang sa dagat, mga upos na'y nagkalat?
Ikatlo raw ito sa laksang basura sa dagat
Naisip nyo bang sa upos, mga isda'y bubundat?
At pagkamatay nila sa upos sa budhi'y sumbat
Lagi nating isipin ang buti nitong daigdig
Ang dagat na'y nasaktan, pati pusong pumipintig
Basurang nagkalat sa kalamnan niya'y yumanig
O, dapat itong wakasan, tayo'y magkapitbisig
Simulan nating sagipin ang ating karagatan
O kaya'y mag-umpisa sa ating mga tahanan
Naglipanang upos ay gawan natin ng paraan
Gumising na't magsikilos para sa kalikasan
Upos ay kinulong ko sa bote bilang simula
Pag dagat ay pulos upos, mga isda'y kawawa
Oo, ito'y pagkain, aakalain ng isda
Sumpa iyang upos sa dagat, problemang kaylubha
-gregbituinjr.
Kita nyo bang sa dagat, mga upos na'y nagkalat?
Ikatlo raw ito sa laksang basura sa dagat
Naisip nyo bang sa upos, mga isda'y bubundat?
At pagkamatay nila sa upos sa budhi'y sumbat
Lagi nating isipin ang buti nitong daigdig
Ang dagat na'y nasaktan, pati pusong pumipintig
Basurang nagkalat sa kalamnan niya'y yumanig
O, dapat itong wakasan, tayo'y magkapitbisig
Simulan nating sagipin ang ating karagatan
O kaya'y mag-umpisa sa ating mga tahanan
Naglipanang upos ay gawan natin ng paraan
Gumising na't magsikilos para sa kalikasan
Upos ay kinulong ko sa bote bilang simula
Pag dagat ay pulos upos, mga isda'y kawawa
Oo, ito'y pagkain, aakalain ng isda
Sumpa iyang upos sa dagat, problemang kaylubha
-gregbituinjr.
Lunes, Enero 21, 2019
Posisyon ng No Burn Pilipinas ukol sa Proposed Guidelines on the use of Waste-to-Energy Technology/Facility ng DENR
Ayon sa proklamasyon ni Pangulong Duterte sa kanyang inaugural speech (unang SONA), dapat isaalang-alang ng bansa ang paggamit ng teknolohiyang waste-to-energy upang matugunan ang matagal na nating problema pagdating sa basura o municipal solid waste at siya na rin ang nagsabing upang makatulong sa produksyon ng enerhiya. Alinsunod dito, maglalabas ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) ng mga alituntunin sa paggamit ng waste-to-energy at sa pamamagitan nito, muling binubuhay ng ahensya ang posibilidad ng malawakang pagsunog ng basura (waste incineration) sa ating bansa.
Nabalitaan namin sa NBP na tapos na ang pagbuo ng nasabing "guidelines" at hinihintay na lamang na aprubahan at pirmahan ito ni DENR Secretary Roy Cimatu.
ito'y sanhi ng aming lubos na pagkabahala at pagkadismaya. Mahigpit naming iginigiit na hindi makabubutio sa kalikasan at kalusugan ng mamamayang Pilipino ang waste-to-energy kung ang proseso ay incineration. Nananawagan kami sa DENR na huwag nang ituloy ang kanilang panukala para sa waste-to-energy incineration dahil sa mga sumusunod na dahilan:
1. Ilegal ang waste incineration. Ipinagbabawal ng Section 20 ng Clean Air Act of the Philippines (RA 8749) ang pagsunog ng basura. Mali ang akalaing pinayagan daw ito umano ng Supreme Court sa kanilang kasong MMDA vs. JANCOM ENV'L. CORP., et. al. (G. R. No. 147465. April 10, 2002). Bagkus, iginiit rito ng Korte Suprema na maaari lamang payagan ang waste incineration kung wala itong dulot na nakakalasong kemikal tulad ng dioxins at furans. Subalit, sa kasalukuyan, napakaraming mga siyentipikong pananaliksik ang nagpapatunay na ang waste incineration - kasama na rin ang mga iba't ibang porma nito tulad ng pyrolysis, gasification, o plasma arc - ay bumubuga ng dioxins at furans sa ating kapaligiran. Dahil ito sa proseso ng pagsunoig at presensya ng oxygen. Dagdag pa rito ang katunayan na ang waste incineration ay kontra sa diwa at pangkalahatang alituntunin ng Ecological solid Waste Management Act of the Philippines (RA 9003) ukol sa mga solid waste management plan ng mga LGU. Isinasaad nito: "The plan shall place primary emphasis on implementation of all feasible reuse, recycling, and composting programs while identifying the amount of landfill and transformation capacity that will be needed for solid waste which cannot be re-used, recycled, or composted." (Sec. 16, RA 9003)
2. Babaguhin lamang ng waste incinerations ang problema ng basura patungo sa problema ng polusyon ng hangin. Resulta ng proseso ng pagsunog ang pagbitiw sa kapaligiran ng mga heavy metals na naroroon sa basura at pagbuga ng mga nakalalasong usok, lalung lalo na ang pagsunog ng mga chlorinated na mga materyales (hal. mga plastic at PVC pipes) na maaaring maging sanhi ng mga carcinogens gaya ng dioxins at furans. Kung tutuusin, kulang ang kapasidad at teknolohiya ng DENR sa pagsiyasat at pag-monitor ng mga kemikal na ito sa hangin at sa mga planta ng waste-to-energy. Samakatuwid, kung papayagan ng DENR ang mga incinerators, mas malubhang problema sa polusyon ang ating haharapin at hindi tayo magiging handa para rito.
3. Napakabigat ng mga pinansiyal na pangangailangan ng mga incinerators at sa mahabang panahon, maaari ring malugi ang gobyerno sa mga proyektong ito. Daang milyon o ilang bilyon ang gastos para sa pagtatayo, pagpapatakbo at pagpapanatili ng mga planta? Dagdag sa gastusin ang mga mahigpit na patakaran at pananagutang kasama sa mga plano para sa waste-to-energy. Halimbawa na rito ang lock-up period sa mga kontrata, kung saan binibigyan ng garantiya sa kita ang mga investors at technology providers sa takdang panahon sa halip na protektahan ang pinansyal na kakayahan at integridad ng mga lokal na pamahalaan.
4. Sa kasalukuyan, mayroong mga iba't ibang pamamaraan para sa maayos na pagtapon ng mga biomedical, infectious at hazardous wastes. Para sa mga ordinaryong basura mula sa mga munisipyo, isinasaad ng RA 9003 ang mga wasto at ligtas na pamamaraan para rito - segregation at source, composting at recycling. Para sa mga medical at infectious waste, nariyan ang autoclaving kung saan napipigilan ang paglaganap ng sakit na walang dulot na polusyon.
5. Nangako ang Pilipinas, sa ilalim ng Stockhol Convention on Persistent Organic Pollutants (POPs), na gawin ang lahat upang puksain ang mga nakalalasong organic na kemikal o POPs. Labag sa pangakong ito ang pagpayag sa waste incineration dahil sanhi ito ng dioxins at furans - dalawang POPs na bahagi sa listahan na ipinagbabawal ng Stockholm Convention. Salungat din ang waste incineration sa mga non-combustion POPs projects na isinasagawa ng DENR-EMB sa tulong ng Global Environment Facility o UNIDO.
6. Dahil sa mga waste incineration na mga planta, libo-libong mga tao sa informal sector na nakasalalay sa pagpulot, pag-segregate at pag-recycle ng basura bilang kabuhayan ay mawawalan ng trabaho. Sa pagsusunog, sinasayang ng mga waste incineration plants ang samot-saring mga bagay at materyales na maaaring mapakinabangan ng mga naghahanapbuhay sa mga junk shop at materials recovery facility. Mas maraming trabaho ang nililikha ng mga recycling centers kaysa mga incinerators. Hindi rin makakatulong ang waste-to-energy sa pagpatupad ng National Framework Plan for the Informal Sector in Solid Waste Management (inapruba sa pamamagitan ng NSWMC Resolution No. 47) kung nakasaad na dapat maging isang pangunahing bahagi ng solid waste management ang informal waste sector.
7. Mapaparami ng waste incineration ang basura dahil kailangan nito ng basura. Upang maayos at sulit ang pagpapatakbo ng mga planta ng waste-to-energy, araw-araw nitong kailangan ng daan-daang tonelada ng basura. Bagaman tone-tonelada rin ang nililikhang basura ng bawat munisipyo, hindi lahat ng uri ng basura ang maaaring sunugin ng planta ng waste-to-energy. Lalakihan lamang ng waste incineration ang insentibo sa paglikha at pagtapon ng basura sa halip na bawasan at masusi itong ipaghiwa-hiwalay. Samakatuwid, dahil sa incineration, sa simula pa lamang ay bigo na ang mga layunin natin para sa recycling at pagbawas ng basura.
Ipinapaalala namin: mandatong konstitusyonal ng DENR na protektahan ang kalikasan at itaguyod ang isang balanseng ekolohiya na ligtas sa kapahamakan para sa kasalukuyan at susunod na mga henerasyon.
Nais naming ipaalam na ang naturingang madaliang solusyon na pangako ng waste-to-energy incineration ay maling solusyon. Nilalagay nito sa kapahamakan ang ating kalusugan, sinisira nito ang ating hangin, lupa at tubig. Inaagaw nito ang mga pangkabuhayan ng marami nating mamamayan. Uubusin nito ang pera ng sambayanan at mag-aambag ito sa global warming. Ang pagpayag sa waste incineration ay isang hakbang patungo sa landas ng walang katapusan at walang hangganang pagkonsumo at pag-aksaya ng mga nauubos na yaman ng sangnilikha.
Sa halip, ang tamang paraan sa paglutas sa problema sa basura ay Zero Waste Management. Mas likas-kaya at mas praktikal ang Zero Waste na paraan dahil tinatangkilik nito ang pag-iwas ng paglikha ng basura, pinoprotektahan nito ang kalusugan at kabuhayan ng mga tao sa pamamagitan ng paglikha ng mga trabaho at pagpigil sa polusyon. Napakarami nang mga komunidad sa iba't ibang parte ng mundi ang nagsasagawa nito at nagpapatunay sa solusyon ng Zero Waste. Ito ang dapat itaguyod, suportahan at paunlarin ng DENR upang mapabilis at maging matagumpay ang paglaganap nito sa ating bansa.
* Ang No Burn Pilipinas ay isang pambansang koalisyon ng mga organisasyon mula sa Luzon, Visayas at Mindanao. Ang mga samahang ito ay kumakatawan sa mga iba't ibang sektor gaya ng waste pickers, manggagawa, kababaihan, maralitang lungsod, magsasaka, mangingisda, at kabataan. Mayrooon ding mula sa mga environmental groups, academe at faith-based organizations.
Linggo, Abril 22, 2018
Huwebes, Agosto 17, 2017
Pagyoyosi
May kakilala akong malakas manigarilyo. Ako naman ay hindi na nagyoyosi, bagamat nagyoyosi noong kabataan ko. Ngunit ang kakilala kong iyon na kaha-kaha kung manigarilyo (makikita mo iyon sa dami ng upos sa ash tray) ay nagsasabi sa aking makikisindi sa kalan. Aba'y bakit siya sa kalan sisindi? Magkano ba ang posporo? P3.00. Magkano ang lighter? Sabihin na nating ang pinakamura ay P20.00. Ang isang kaha ng kanyang yosi na naglalaman ng 20 stick ay nagkakahalaga ng P70.00. Magkano ang gasul? P700.00. Tapos sa kalan siya magsisindi? Kayang bumili ng kaha-kahang sigarilyo, pero nakikisindi. May bisyong magyosi, ngunit panindi ay hindi makabili? Hay buhay!
~ gregbituinjr.
~ gregbituinjr.
Lunes, Hulyo 3, 2017
RA 10771 - Philippine Green Jobs Act of 2016
Republic Act 10771
Philippine Green Jobs
Act of 2016
April 29, 2016
S. No. 3092
H. No. 6100
Republic
of the Philippines
Congress of the Philippines
Metro Manila
Congress of the Philippines
Metro Manila
Sixteenth
Congress
Third
Regular Session
Begun
and held in Metro Manila, on Monday, the twenty-seventh day of July, two
thousand fifteen.
[REPUBLIC ACT NO. 10771]
AN ACT PROMOTING THE
CREATION OF GREEN JOBS, GRANTING INCENTIVES AND APPROPRIATING FUNDS THEREFOR
Be it
enacted by the Senate and House of Representatives of the Philippines in Congress
assembled:
SECTION 1. Short Title. – This Act shall
be known as the “Philippine Green Jobs Act of 2016”.
SEC. 2. Declaration of Policy. – It is the
declared policy of the State to:
(a)
Affirm labor as a primary social economic force in promoting sustainable
development;
(b)
Afford full protection to labor, local and overseas, organized and unorganized,
and promote full and productive employment and equality of employment
opportunities for all; and
(c)
Promote the rights of the people to a balanced and healthful ecology in accord
with the rhythm and harmony of nature.
The
State shall identify needed skills, develop training programs, and train and
certify workers for jobs in a range of industries that produce goods and render
services for the benefit of the environment, conserve natural resources for the
future generation, and ensure the sustainable development of the country and
its transition into a green economy. In recognition of the participation of
individuals and business enterprises in jobs creation, the State shall provide
incentives therefor.
SEC. 3. Coverage. – This Act shall
apply to all business enterprises unless otherwise provided herein.
SEC. 4. Definition of Terms. – As used in this
Act:
(a) Business
enterprises refer to establishments engaged in the production,
manufacturing, processing, repacking, assembly, or sale of goods and/or
services, including service-oriented enterprises. It shall include
self-employed or own-account workers, micro, small, and medium enterprises
(MSMEs) and community-based business enterprises;
(b) Climate
change refers to a change in climate that can be identified by changes
in the mean or variability of its properties and that persists for an extended
period typically decades or longer, whether due to natural variability or as a
result of human activity;
(c) Green
jobs refer to employment that contributes to preserving or restoring
the quality of the environment, be it in the agriculture, industry or services
sector. Specifically, but not exclusively, this include jobs that help to
protect ecosystems and biodiversity, reduce energy, materials and water
consumption through high efficiency strategies, decarbonize the economy, and
minimize or altogether avoid generation of all forms of waste and pollution.
Green jobs are decent jobs that are productive, respect the rights of workers,
deliver a fair income, provide security in the workplace and social protection
for families, and promote social dialogue.
(d) Green
economy refers to one which is low-carbon and resource-efficient, and
results in the generation of green jobs and in improved human well-being and
social equity, while significantly reducing environmental risks and ecological
scarcities;
(e) Green
goods and services refer to goods and services that benefit the
environment or conserve natural resources, and may include research and
development, installation and maintenance services;
(f) Green
technologies refer to the development and application of products,
equipment and systems used to conserve the environment and natural resources;
and
(g) Sustainable
development refers to development that meets the needs of the present
generation without compromising the ability of the future generations to meet
their own needs.
SEC. 5. Incentives. – For the purpose
of encouraging business enterprises to generate and sustain green jobs as
certified by the Climate Change Commission, as provided in Section 6(o) hereof,
business enterprises shall enjoy the following incentives:
(a)
Special deduction from the taxable income equivalent to fifty percent (50%) of
the total expenses for skills training and research development expenses which
is over and above the allowable ordinary and necessary business deductions for
said expenses under the National Internal Revenue Code of 1997, as amended; and
(b)
Tax and duty free importation of capital equipment: Provided, That
the capital equipment is actually, directly and exclusively used in the
promotion of green jobs of the business enterprise.
Incentives
that will be granted under this Act shall be in addition to fiscal and
non-fiscal incentives already granted or provided under existing laws, orders,
issuances and regulations. Nothing in this Act shall be interpreted or
construed to diminish or limit, in whatever manner, the incentives granted or
provided under existing laws, orders, issuances and regulations which shall
include, but not limited to, Republic Act No. 10121 or the “Philippine Disaster
Risk Reduction and Management Act of 2010”; Republic Act No. 10068 or the
“Organic Agriculture Act of 2010”; Republic Act No. 9513 or the “Renewable
Energy Act of 2008”; Republic Act No. 9367 or the “Biofuels Act of 2006”;
Republic Act No. 9275 or the “Philippine Clean Water Act of 2004”; Republic Act
No. 9003 or the “Ecological Solid Waste Management Act of 2000”; Republic Act
No. 8749 or the “Philippine Clean Air Act of 1999”; and Republic Act No. 8550
or the “Philippine Fisheries Code of 1998”.
SEC. 6. Role of Agencies. –
(a) The Department of Labor and Employment
(DOLE) shall, in coordination with other government agencies, formulate a
National Green Jobs Human Resource Development Plan on the development,
enhancement and utilization of the labor force, both in the private and public
sectors. The plan shall have the primary objective of enabling and sustaining
the transition into a green economy and the generation of green jobs towards
more employment and equal opportunities and the promotion of social justice and
workers’ welfare. It shall include programs, projects, and activities pertaining
to basic, higher and technical-vocational education and training, database that
identifies and links green job opportunities with private and public entities,
and information on knowledge and skill requirements of a green economy.
The
DOLE, in coordination with the Philippine Statistics Authority (PSA), shall
also maintain a database of green careers, professions and skills, as well as a
list of emerging business enterprises, which generate and sustain green jobs.
It shall facilitate skills training assessment and certification, career
advocacy, provide productivity and livelihood training, and extend technical
assistance to enterprises to ensure labor law compliance.
(b) The Department of Finance (DOF) shall
administer the grant of incentives as discussed in Section 5 of this Act to
qualified individuals and business enterprises engaged in registered strategic
activities, and shall maintain a database on the same.
(c) The Department of Environment and Natural
Resources (DENR) shall establish and maintain a climate change information
management system and network as reference in the formulation of strategies and
approaches to develop potential green jobs.
(d) The Department of Education (DepED) shall implement faculty, facility
and curriculum development for primary and secondary education in support of
the knowledge and skills requirement of a green economy.
(e) The Commission on Higher Education (CHED)
shall develop and implement curriculum and related standards and instructional
materials in support of the green economy.
(f) The Technical Education and Skills
Development Authority (TESDA) shall formulate the necessary training
regulations for the implementation of skills training, program registration and
assessment and certification in support of the requirements for skilled
manpower of the green economy.
(g) The National Economic and Development
Authority (NEDA) shall ensure the mainstreaming of green jobs concern in
development plans.
(h) The Department of Trade and Industry (DTI)
shall develop a special business facilitation program for individuals and
business enterprises that create green jobs.
(i) The Professional Regulation Commission
(PRC) shall encourage the development of qualifications framework that can
facilitate the recognition of knowledge, skills, and competencies of
professionals working in the green economy.
(j) The Department of Science and Technology
(DOST) shall, together with the TESDA, assist the DOLE in analyzing skills,
training and re-training needs in relation to the use of green technology that
has the potential to create new green occupations and greener jobs, especially
in industries or sectors undergoing structural changes due to climate change
and greening of the economy. It shall also provide a range of business
development support to MSMEs. These may include prototyping or modeling of
technologies, conducting assessment to match technological needs and demands,
subcontracting business to develop clean technologies, providing technical
written guides, procedures as well as instructions and training on clean
technology for business.
(k) The Department of Transportation and
Communications (DOTC) shall ensure the mainstreaming of green jobs concern
in its sectoral development plan and encourage more investments in public
transport infrastructure and services to optimize the potential of public
transport to foster green growth and job creation. It shall also explore
strategies of shifting to more environmentally friendly modes of transport and
improving the efficiency of all modes of transportation.
(l) The Department of Tourism (DOT) shall
outline sustainable tourism planning and integrated approach for the promotion
of job rich sustainable tourism industry.
(m) The Department of Public Works and Highways
(DPWH) shall develop and implement programs that promote the importance of
green building practices in safeguarding the environment and its role in
sustainable economic development.
(n)
Any provision in their respective charters to the contrary notwithstanding,
government financial institutions (GFIs) shall, in consultation with the Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP),
provide preferential financial packages to business enterprises that create
green jobs.
(o) The Climate Change Commission (CCC), in
consultation with concerned agencies, such as the DENR, the DTI, the DOLE, the
Department of Agriculture (DA), the Department of Energy. (DOE), the Department
of the Interior and Local Government (DILG), and the DOST, shall develop and
administer appropriate standards for the assessment and certification of green
goods and services, and green technologies and practices for the purpose of
regulating the availment of incentives and ensuring green jobs content pursuant
to the National Green Jobs Human Resource Development Plan as provided in
Section 6(a) hereof.
SEC. 7. Role of the Secretary of Labor and
Employment. – The Secretary of Labor and Employment shall
be included as an additional member of the Climate Change Commission
constituted under Section 5 of Republic Act No. 9729, as amended or the
“Climate Change Act of 2009”.
SEC. 8. Appropriations. – The amount necessary
to carry out the operation of this Act shall be included in the annual General
Appropriations Act.
SEC. 9. Implementing Rules and Regulations. – Within one hundred
eighty (180) days from the effectivity of this Act, the Secretary of Labor and
Employment, in coordination with concerned agencies as may be deemed necessary,
shall formulate the necessary rules and regulations to implement the provisions
of this Act.
SEC. 10. Separability Clause. – Should any
provision of this Act be declared unconstitutional, the remainder thereof not
otherwise affected shall remain in full force and effect.
SEC. 11. Repealing Clause. – Section 5 of Republic
Act No. 9729, as amended or the “Climate Change Act of 2009”, is deemed amended
or modified by Section 7 of this Act. All other existing laws, presidential
decrees, executive orders, proclamations or administrative regulations that are
inconsistent with the provisions of this Act are hereby repealed, amended or
modified accordingly.
SEC. 12. Effectivity. – This Act shall take
effect fifteen (15) days following the completion of its publication in
the Official Gazette or in two (2) newspapers of general
circulation.
Approved,
(Sgd.) FELICIANO BELMONTE JR.
Speaker of the House
of Representatives
Speaker of the House
of Representatives
(Sgd.)
FRANKLIN M. DRILON
President
of the Senate
Senate Bill No. 3092, which was approved by the
Senate on February 1, 2016, was adopted as an amendment to House Bill No. 6100
by the House of Representatives on February 2, 2016.
(Sgd.) MARILYN B. BARUA-YAP
Secretary General
House of Representatives
Secretary General
House of Representatives
(Sgd.) OSCAR G. YABES
Secretary of the Senate
Approved: APR 29
2016
(Sgd.) BENIGNO S. AQUINO III
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)




























